Itinuring ng Quirino Provincial Task Force-End Local Communist Armed Confict (ELCAC) na tagumpay ang pagkakadakip ng kadre ng KOMPROB Isabela na may kasong multiple murder.
Ito umano ay malaking kabawasan sa pwersa ng rekrutment sa sektor ng agrikultura ng kilusan.
Kinilala ang akusado na si alyas Mon, 66-anyos, tubong Baracaoit, Gattaran, Cagayan
Ayon sa ibinahaging impormasyon ng 5th Infantry Division, Philippine Army, taong 1980 nang magsimulang sumapi si Mon sa kilusan at naging Agrarian Revolution Officer ng Komiteng Probinsya Isabela, Komiteng Rehivan-Cagayan Valley (KR-CV) noong 2020 hanggang sa kasalukuyan.
Ipinagmalaki naman ng 5th Infantry Division ang pagkakaaresto kay Mon kung saan isa umano itong patunay na seryoso ang pamahalaan sa pagtugis at paghahanap ng hustisya para sa mga naging biktima ng nasabing kilusan.
Naaresto si Mon matapos ihain ng mga otoridad ang warrant of arrest sa Barangay Villa Pascua, Diffun, Quirino.