Magkapatid na suspek sa pamamaslang sa 17-anyos na binatilyo, arestado

Hulog na sa kamay ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek sa pamamaslang sa 17-anyos na binatilyo na ang katawan ay natagpuan sa Brgy Barayong noong buwan ng Mayo nitong taon.

Noong Huwebes, Hulyo 13 ay hinainan ng kanyang warrant of arrest si Bernie Lactao Jarabese alias Bernie, 38-anyos, may asawa, garbage collector at naninirahan sa Brgy Penafrancia, West District, Sorsogon City.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Kinabukasan, Hulyo 14 ay sunod na naaresto ang kapatid nito na si Dandin Lactao Jarabese, 28-anyos, binata, street sweeper at naninirahan din sa parehong barangay.

Ang magkapatid ay akusado sa kasong pamamaslang sa biktimang si Ivan Babasa Bosquillos at attempted homicide sa apat pang indibidwal na pawang mga pinsan ng biktima lahat residente ng Camp Site, Brgy Guinlajon, West District, Sorsogon City.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Walang iitinakdang piyansa ang RTC Br 66 5th Judicial Region, Sorsogon City sa kasong murder habang P36K naman ang inirekomendang piyansa sa kasong attempted homicide.

Kung babalikan, ang katawan ng biktima na tadtad ng saksak at taga ay natagpuan ng mga awtoridad sa gitna ng palayan sa Brgy Barayong, West District, Sorsogon City.