𝗗𝗜𝗥𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 “𝗙𝗜𝗥𝗘𝗙𝗟𝗬” 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗜𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗠𝗙𝗙 𝟮𝟬𝟮𝟯, 𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Iniaalay ni Direk Zig Dulay ang pagkapanalo ng kaniyang pelikulang “Firefly” sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal sa kaniyang ina.

Sa facebook post ng direktor, sinabi nito na para sa kaniyang inang ang “Best Picture Award” na natanggap ng kaniyang pelikula.

Si Direk Zig ay tubong Santiago City, Isabela kung saan lumaki siya sa pamilya ng mga magsasaka at pang-sampu sa 11 magkakapatid.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Bilang pagbabalik-tanaw sa kaniyang karanasan sa buhay at sa kaniyang pagkabata, nagawa rin ng direktor ang pelikulang “Bambanti” kung saan naiuwi rin nito ang Best Film award sa Brussels International Festival of Films at sa Ajyal Youth Film Festival.

Kasama rin niya sa pelikulang “Bambanti” si Alessandra De Rossi na isa rin sa casts ng kaniyang entry sa MMFF 2023 na “Firefly”.

Si Direk Zig Dulay din ang nasa likod ng award-winning GMA Historical-Fantasy series na “Maria Clara at Ibarra”.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Samantala, bukod sa Best Picture Award, naiuwi rin ng pelikula ang Best Child Performer para kay Euwenn Mikaell, at ang Best Screenplay.

Kaugnay nito, pabiro ring nabanggit ng direktor sa kaniyang acceptance speech sa gabi ng parangal na dadami na ang kanilang sinehan.

Ang Metro Manila Film Festival ay taunang isinasagawa tuwing kapaskuhan upang isulong ang pelikulang Pilipino.

Tatagal ang MMFF 2023 hanggang January 7, 2023.