Pulis na nagmaneho at nagdulot ng aksidente sa EDSA busway, sinibak

Inalis na muna sa pwesto ang pulis na nagmaneho ng police mobile na nagdulot ng aksidente sa Edsa busway at ikinasugat ng limang pasahero.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Posible aniyang maharap sa kasong administratibo ang pulis na napag-alamang mula sa National Police training Institute.

Sa video na isinapubliko ng Department of Transportation, makikitang binabagtas ng bus ang busway sa Edsa Santolan Southbound nang biglang pumasok ang police mobile.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Nagresulta ito para ikabig ng bus driver ang manibela hanggang sa sumalpok sa railings ng MRT.