Mas maraming gagamit ng paputok ngayong bagong taon, inaasahan ng BFP Naga; publiko, pina-alalahanan na doon lamang sa mga itinalagang lugar magpaputok

NAGA CITY – Mas inaasahan ngayong magbabagong taon ng Bureau of Fire Protection Naga, na mas marami ang gagamit ng paputok lalo na ngayong hindi gaanong naging maingay ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Restituto Dait Jr., Chief Community Relation ng Naga Fire Station, pinaalalahanan ang publikong hanggat maaari sana ay huwag nang gumamit ng mga paputok bagkus mga improvised paputok na lang o kaya turutot at higit sa lahat umiwas sa paputok upang maiwasan ang disgrasya.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Maliban pa riyan ipinabatid na rin ng opisyal na may mga lugar o barangay community designated area sa lungsod na doon lamang maaaring magpaputok ang publiko, kung hindi sa open area, ang iba sa covered court.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Samantala, nagpa-alala muli ang opisyal na maging maingat sa sunog lalo na’t ngayong buwan apat na ang naitalang sunog sa lungsod, at kaninang umaga lamang isang pizza at pasta chain, ang nasunog sa may bahaging kusina na kaagad namang narespundehan ng BFP at volunteer group.