₱1M  reward money, ibibigay sa makapagtuturo sa responsable sa pamamaril-patay sa ex-kapitan sa Camarines Sur

NAGA CITY – Isang milyong reward money ang ibibigay sa  makapagtuturo sa responsable sa pamamaril-patay sa dating Punong Barangay na si Jonathan Clidoro ng San Jose Camarines Sur noong Miyerkules, Marso 30.

Kinumpima mismo ito sa Brigada News FM Naga ni 2nd District Congressman LRay Villafuerte.

Ang biktimang si Clidoro na kasalukuyang staff ni San Jose Mayor Marco Chavez, matatandaan na nasa tapat lamang ng kanyang bahay ng biglang tanungin ng isang lalaking nakamotorsiklong nakahelmet nang sabihin naman ng biktima na siya ang hinahanap saka ito binaril.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Naisugod sa ospital ang biktima sa bayan ng Goa, at dinala sa isang ospital ng Naga City. Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga ni PSSgt Noe Paterno, tagapasalita ng San Jose MPS, kinumpirma nitong binawain na ng buhay ang biktima.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Labis naman ang pagdadalamhati ngayon pamilya ng biktima maging ang mga naging katrabaho nito.

Sa ngayon inaalam pa ng naturang himpilan kung sino ang salarin ang ang motibo nito.