Bilang ng mga turistang nagtutungo sa Camarines Norte tumaas noong Marso- PCG

CAMARINES NORTE- Tumaas ang bilang ng mga turista na nagtutungo sa mga pangunahing tourist destinations sa lalawigan ng Camarines Norte noong Marso, batay sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG)

Inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na araw dahil sa muling pagbubukas ng turismo at pinaluwag na COVID- 19 restrictions.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte, inihayag nito na ang pinaka binibisitang lugar sa ngayon ng mga turista ay ang Calaguas Group of islands sa Vinzons at ang Siete Pecados o seven islands sa Mercedes na binubuo ng Apuao Grande, Quinapaguian, Malasugui, Apuao Pequeña, Canton, Caringo, at Canimog

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Noon lang Marso naitala ng PCG ang 1, 607 na tourist arrival sa Calaguas habang 304 naman sa Siete Pecados.

Ayon kay Pabico karamihan sa mga turistang ito ay nagmula sa labas ng lalawigan.

Hindi pa kasama sa datos ang mga lokal na residente na may sariling bangka na nagtutungo rin sa mga nabanggit na lugar.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Inaasahan na umano ng PCG na mas dadami pa ang mga tao na magtutungo sa mga beach resorts ngayong summer.

“Actually ano ini- expect din kasi namin na dadami yung tao na ano, magpupunta sa mga beach resort so hindi na rin siya bago sa amin since na ito naman yung mandate namin to secure the shorelines, then save lives,” ani Pabico.

Aminado naman ang opisyal na kulang sila sa mga tauhan pero mayroon naman umanong naka deploy na Special Operations Group bilang karagdagang pwersa hanggang pagkatapos ng eleksyon.