Zipline sa Seven Falls, binuksan na

KORONADAL CITY- BUKAS na muli ang zipline sa Seven Falls sa bayan ng Lake Sebu.

Batay sa advisory ng Seven Falls Project Management Unit, natapos na ang isinagawang cable maintenance check up sa zipline at handa na ang mga ito na tumanggap ng mga bisita at zipline riders.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Napag-alaman na pansamantalang ipinasarado ang zipline upang masuri ang mga kable at masiguro ang safety ng mga turista na sumasakay dito.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Samantala, nagbabala naman ang pamunuan ng Seven Falls sa lahat na maging vigilante at mag-ingat lalo na’t may mga nangyayaring minor landslide sa ilang lugar sa Lake Sebu partikular sa daan papunta sa zipline area.