Agad na umalma ang mga world leaders sa desisyon ni Russian President Vladimir Putin na kumikilala sa independence ng 2 self-proclaimed republics sa eastern Ukraine, kasabay ng pagkodena sa Moscow at nanawagan ng sanctions.
Ayon sa mga lider ng France, Germany at United States, ang hakbang ni Putin ay malinaw na paglabag sa Minsk peace agreements.
Sinabi naman ni French President Emmanuel Macron, German Chancellor Olaf Scholz at US President Joe Biden na ang naturang hakbang ay hindi lilipas nang walang kasagutan, kasabay ng pag-anunsyo ng US ng sanctions.

Para naman kay UN chief Antonio Guterres, ang desisyon ng Russia ay nagdulot sa paglabag sa territorial integrity at sovereignty ng Ukraine at inconsistent sa mga principles ng Charter of the United Nations.
Kaugnay nito, nanawagan naman si French President Emmanuel Macron, ng targeted European Union sanctions laban sa Moscow, habang kinondena ni UK Prime Minister Boris Johnson ang hakbang ni Putin bilang tahasang paglabag sa sovereignty at integrity ng Ukraine. //MHEL PACIA-TRINIDAD