Search is on para sa Binibining PH 2022 bets

Sinimulan na ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang paghahanap para sa kanilang susunod na batch ng mga kandidato.

Ayon sa mga organizers, ang application forms ay maaring i-download sa Bb. Pilipinas website, kung saan ang submission deadline ay itinakda naman sa April 8.

Batay sa nakalagay sa form, tanging ang mga bakunado lang mula sa COVID-19, ito man ay single dose, two doses, o booster, ang pinapayagang mag-aplay bilang kandidata.

Ang mga aspiring beauty queens ay maaring magsumite ng kanilang forms online o sa BPCI Secretariat sa South Gate Entrance ng Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.