Humingi ng paumanhin ang World Bank matapos nitong ilathala ang isang ulat kaugnay sa mga estudyanteng Pilipino, na ayon sa organisasyon ay masyadong maaga na nailabas.
Sinabi ng World Bank na nagsisisi ito sa publication ng naturang ulat bago pa man nagkaroon ng pagkakataon ang Department of Education na mabahagi ng inputs nito.
Pansamantala naman inalis ng World Bank ang nasabing ulat mula sa website nito.
Nakikipag-ugnayan na rin ang World Bank kay Education Secretary Leonor Briones para rito.

Ipinunto naman ng World Bank na kinikilala nito na isinusulong ng Department of Education ang iba’t-ibang mga programa na tumutugon sa mga hamon sa kalidad ng edukasyon.
Matatandaan sa pag-aaral na may titolo na “Improving Student Learning Outcomes and Well-Being in the Philippines: What Are International Assessments Telling Us? (Vol.2): Synthesis Report Presentation” ay sinabi na tinatayang nasa 80% ng mga estudyanteng Pilipino asy may mga grado na wala pa sa minimum level of proficiency.