CAMARINES NORTE – Patuloy na nadaragdagan ang mga nagpopositibo sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan ayon sa ulat ng DOH Bicol kahapon ang lalawigan ay nakapagtala ng 17 na panibagong kaso
Ang mga nagpositibo ay residente ng Daet, Labo at San Vicente na may tig-ta-tatlong kaso , Mercedes at Sta. Elena ay may tig-dalawang kaso habang tig-i-isang kaso naman ang naitala sa mga bayan ng Basud, San Lorenzo Ruiz, Talisay at Vinzons
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 1,038 na kabuuang kaso ang naitala sa lalawigan simula noong 2020 at mula sa bilang na ito 390 ang aktibong kaso
habang may naitala namang nakarekober sa sakit kahapon na may bilang na 29 kung kayat umakyat na sa 619 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit habang nananatili pa rin sa 32 ang bilang ng mga nasawi
Sa Patuloy na paglobo ng COVID-19 sa Camarines Norte, muling ipinaalala ng DOH at PHO na nararapat lamang na mag-ingat ang ating mga kababayan at sumunod sa mga Safety Protocol upang hindi na mahawa pa sa naturang sakit.

