Winter Olympics ipinagpaliban hanggang 2023 dahil sa COVID-19 pandemic

Ipinagpaliban hanggang 2023 ang Special Olympics Winter Games sa Russia.

Inanunsyo ng organisers, na ang 12th Special Olympics Winter Games sa Kazan, Russia ay ma-uurong hanggang 2023 dahil sa coronavirus pandemic.

Pahayag ng organization, kanilang napag desisyonan na iurong ang Special Olympics World Winter Games sa Enero ng 2023 dahil sa global pandemic at para na din sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga atleta. Kasama na din ang kanilang volunteers, staff at mga tagahanga.

Dahil sa pagkalat ng Delta Variant ng COVID-19 sa buong mundo, maraming Special Olympics delegations umano ang nagdadalawang isip o hindi magawang bumiyahe internationally.

Samantala, sa pag postpone ng nasabing laro ay malaking pagkakataon ito para lumahok ang iba pang atleta, magkaroon ng high quality competitions, at maraming cultural activities kasama na din ang immersive programming. (VANESSA FERNANDEZ – BRIGADA INTERN)