Wilma Doesnt, engaged na

Engaged na ang aktres at model na si Wilma Doesnt sa kaniyang long-time partner na si Gerick Livelo Parin.

Nangyari ang engagement ng dalawa sa mismong kaarawan ni Wilma, at base sa kaniyang Instagram post, ay tila naganap ito sa isang resort kung saan ay nagho-host ang aktres sa isang event.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Mababasa sa caption ng post ni Doesnt, “The best birthday gift ever!!!!happy birthday to me!!yahoooo…”

Kasabay nito ay nagpayo naman si Wilma sa mga kababaihan na tulad niya, na huwag sumuko sa pag-ibig.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Iginiit niya na hindi mahuhusahan ang pagkatao ng isang indibidwal base sa nakaraan at mga kamalian nito sa buhay.

Dagdag ni Wilma, “trust the process” at “patience is a virtue..”

Mababatid na meron nang tatlong anak si Wilma mula sa mga dati niyang karelasyon kabilang na sina Asiana, Emilia, at Araion.