Pinaghahandaan na ng White House ang giyera kontra sa disinformation kaugnay sa COVID-19.
Ayon sa ilang opisyal ng administrasyon, haharapin ni US President Joe Biden ang mga mapanirang mga messages laban sa efforts ng gobyerno partikular sa mas nakakahawang Delta variant.
Kaugnay nito ay inaasahang sa bibihirang pagkakataon ay haharap sa White House Press briefing si US surgeon General Dr. Vivek Murthy para talakayin ang level of misinformation sa public health issue.

Inihayag ng isang senior administration officials na may nabuo nang desisyon para sa mas matapang na pagtugon sa disinformation at plano para sa Republican elected officials at ilang mga natukoy na social media platforms
Matatandaan na nahihirapan ang administrasyon na kumbinsihin ang Republicans na magpabakuna at sa halip ay itinuturo ang local physicians, pharmacists 0 mga clergy members na mga pinagkakatiwalaang messengers.