Tinukoy ng top court ng Spain na unconstitutional ang strict COVID-19 lockdown noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag ng Spain’s Constitutional Court na hindi sapat ang state of emergency na idineklara para suportahan nila ang restrictions.

Sa kabila nito, nilinaw ng korte na hindi nila tatanggapin ang mga kaso na posibleng isampa ng mga tao at ng mga negosyo laban sa gobyerno dahil sa losses sa pera bunsod ng lockdown.
Matatandaan na idineklara ng Spain government ang state of emergency noong March 14 2020 para mapigilan ang unang wave ng COVID-19 infections.
Noong panahon na yun ay mabilis ang pagtaas ng COVID-19 cases at death sa Spain kung saan ay mabilis ding napuno ang mga ospital.
Napag-alamang ang Spain ay mayroong 3 level ng emergency kabilang ang state of emergency, state of exception at ang pinakamataas na level, ang state of siege.