Western province sa Canada isinailalim sa state of emergency dahil sa baha

Isinailalim sa state of emergency ang western province ng British Columbia sa Canada matapos na salantain ng bagyo at malubog sa baha ang maraming lugar.

Una naitala ang isang babaeng namatay sa landslide habang dalawang iba pa ang nawawala.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Nananatili naman sa mga evacuation center ang libu-libong residente dahil sa matinding pagbaha.

Ayon sa report ng mga otoridad, katumbas ng isang buwang average ng ulan ang bumuhos sa loob lamang ng isang araw na dahilan ng pagtaas ng tubig.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Agad namang nangako ng tulong si Prime Minister Justin Trudeau habang tiniyak na tutulong ang mga tropa ng pamahalaan sa pagbangon ng mga apektadong residente.