Cash incentives ng mga edad 80-100 years old sa Masinloc, matatanggap na

Makatatanggap ng cash incentives ang senior citizens na mula edad walumpo hanggang isang daang taon gulang sa Masinloc, Zambales.

Ito ay para sa lehitimong senior citizen na residente mismo ng bayan ng Masinloc.

Ayon sa lokal na pamahalaan ang incentives ay ibibigay sa mga kwalipikadong benipisyaryo ngayong darating na buwan ng Disyembre.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ipinaalala naman ng lokal na pamahalaan na puwede nang magsumite ng requirements na birth certificate, senior citizen’s id at barangay residency sa municipal hall.

Samantala, ang 80-84 years old ay makakatanggap ng 5,000, ang 85-89 years old ay 10,000, 90-94 years old ay 20,000, ang 95-99 years old ay 30,000 habang ang 100 years old pataas ay makakatanggap ng 100,000 pesos.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Ito ay pinondohan ng lokal na pamahalaan para makatulong sa mga nakakatanda sa kanilang mga pangangailangan.//Rusell Banawa-BNFM OLONGAPO

May be an image of text