Parehong ipinangako nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minsiter Kishida Fumio na mapalalakas lalo ang strategic partnership ng Pilipinas at Japan.
Inihayag ito ng Malacañang matapos ang naganap na phone call sa pagitan ng dalawang lider noong Miyerkules.
Sinabi ng Malacañang na nagkasundo ang parahong lider na isulong ang mas malalim na security engegement at coordination sa pamamagitan ng paglulunsad ng foreign at defense ministerial meeting o 2+2 meeting.
Nagkasundo rin ang dalawa na bumisita sa bansa ng isa’t-isa upang lalong pagtibayin ang partership at personal na pagkakaibigan ng mga bansa.
