Wembanyama, paghahandaan ang paglalaro bilang rookie player ng San Antonio Spurs

PAGHAHANDAAN ni NBA’s tallest Wembanyama ang paglalaro bilang rockie player para sakanyang koponan na San Antonio Spurs.

Dahil dito nagpasya si Wembanyama, na hindi muna siya maglalaro para sa France National Basketball team sa FIBA Basketball World Cup.

Aniya, malaking torneo rin kasi ito kung kaya’t gusto nya munang alagaan ang kanyang katawan.

Nabanggit rin niyang, siya mismo ang nagdesisyon nito, pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang mga kasamahan.

Sumang ayon naman sa kanyang desisyon, ang kanilang coach sa Team France at kapwa nya mga players.### RIZADEL LOPEZ, Intern