Kinialala ang apat na police women sa Lalawigan ng Sorsogon dahil sa kanilang ipinakitang natatanging serbisyo sa komunidad.
Sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Dionesio Laceda, binigyang pagkilala o komendasyon sina PSSgt Mary Ann Lacupanto ng Sorsogon City Police Station dahil sa kanyang aktibong pakikilahok sa pag sasaayos ng Alternative Learning System o ALS sa Brgy. Bitan-o, Sorsogon City at pag bigay ng ilang kagamitan para sa pagkakaroon ng kaaya-ayang silid aralan ng mga mag-aaral ng ALS.


Gayundin si PCpl Kristal Carpio ng Bulan Municipal Police Station dahil sa pamamahagi naman ng mga school supplies sa mga benepisyaryo ng Project Women Empowerment Connect and Assist Children, Restore and Promote Gender Equality o W.E.C.A.R.E program.
Si PCpl Vanessa Bolima ng Pto. Diaz MPS sa pamamahagi rin ng mga school supplies at pagtuturo ng pagbasa sa mga non-reader elementary pupils sa Brgy. Brillante ng nasabing bayan, at si Patrolwoman Liezel Belleza ng 2nd Police Mobile Force Company sa pagbigay naman ng mga regalo at food packs sa kaarawan ng isa sa mga scholars ng 2nd PMFC.


Ayon sa Pulis Kasangyahan, magsisilbi silang inspirasyon sa mga kawani ng Pulisya sa lalawigan na bukod sa pagganap sa tungkuling pagsilhiban at protektahan ang mga mamamayan, piniling mas higitan ang mandato sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa pamayanan.
