NILINAW ng basketball player na si Ricci Rivero na hindi niya ginamit ang aktres at ex-gf na si Andrea Brillantes para lang sumikat.
Mula sa programang Fast Talk With Boy Abunda mariin na iginiit ng star athlete ang mga akusasyon at usap-usapan na ginawang trophy girlfriend ang aktres dahil sa kasikatan nito.
Aniya, malinis ang intensyon n’ya sa relasyon nilang dalawa ni Andrea simula palang.
Sa katanuyan, may mga ilang project ang in-offer sa kanilang dalawa ng aktres subalit tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang i-connect ang trabaho sa personal relationship na meron siya.
Samantala, pinabulaan rin n’ya na may kinalaman si Leren Mae Bautista sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes at inamin na mutual ang desisyon nila ng ex-gf na gawing pribado muna ang naging breakup.
Matatandan, naging bukas ang relasyon nila Ricci at Andrea sa publiko kaya ganun nalang ang pagkabigla ng ilan lalo na nang kanilang tagahanga sa biglaang hiwalayan nila kamakailan.###JONADEL GALLEGO, Intern