Weekly monitoring, isinasagawa ng DTI-Isabela sa mga tindahang nabigyan ng safety seal

Nagsasagawa ang Department of Trade and Industry-Isabela ng weekly monitoring sa mga establishimentong sakop ng ahensiya na nabigyan na ng safety seal certification.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun, bagaman bago pa lamang ang programa sa pagbibigay ng safety seal sa mga tindahang sakop ng ahensiya ay marami pa rin ang nais na mag-apply nito at naging maayos naman ang tugon dito ng mga negosyante.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa katunayan aniya ay nabigyan na rin ng safety seal ang mga tindahang kabilang sa minomonitor ng ahensiya kada linggo habang hinihikayat pa na mag-apply ang iba pa.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa ngayon sa halos 100 na nag-apply para sa safety seal ay 30 na sa mga ito ang naaprobahan at nabigyan ng certification na magtatagal sa loob ng 6 na buwan.