Pagpaso ng prize freeze, posibleng may paggalaw sa presyo ng basic necessities – DTI Isabela

Hindi umano nangangahulugang mayroong biglaang pagtaas ng presyo ng mga basic necessities na sakop ng Department of Trade and Industry – Isabela sa pagtatapos ng 60 days price freeze noong July 9, 2021.

Ito kinumpirma ni DTI- Isabela Provincial Director Winston Singun sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan. Aniya, unang naipatupad ang price freeze noong May 10,2021 kasabay ng pagdeklara ng state of calamity sa bansa dahil sa African Swine Fever kung saan ang prevailing price ng mga basic necessities na kinabibilangan ng instant noodles, mga de lata tulad ng sardinas at corned beef, kape, suka, toyo, patis, tinapay, asin, sabong panglaba at pangligo ay hindi na gumalaw pa.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon pa kay Dir. Singun, ngayong nagpaso na ang 60 days price freeze ay inihayag ng DTI Central office at iba pang implementing agencies na ang suggested retail price na ang susundin ng mga manufacturer.

Paliwanag nito, halimbawa ang prevailing price ng semento noong ipinatupad ang price freeze ay 10 pesos ngunit ang SRP nito ay 11 pesos ay nangangahulugan na ang susundin na ngayon ng manufacturer ay SRP at hindi na ang prevailing price nito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dagdag pa ni Dir. Singun, simula umano nang maipatupad ang SRP noong September 2019 ay hindi pa tumaas hanggang ngayon ang presyo ng mga basic necessities.

Maliban lamang umano kung may mga manufacturers ang magrequest ng adjustment ng kanilang presyo dahil sa pagtaas ng production cost.

Tiniyak naman na walang kakulangan sa supply at pagtaas ng presyo ng mga basic necessities sa lalawigan ng Isabela batay sa isinasagawang regular monitoring ng ahensya.