Transport sector may pinakamalaking ambag sa pagbaba ng inflation rate sa buwan ng Hunyo – PSA

SORSOGON CITY – Tinatayang aabot sa 95.4% ang ambag ng Transport Sector sa pagbaba ng antas ng inflation rate ng bansa sa buwan ng Hunyo nang kasalukuyang taon.

Sa impormasyong nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon sa isinagawang Press Conference ng Philippine Statistics Authority (PSA), inilahad ni National Statistician and Civil Registar Dennis S. Mapa na mula sa 16.5% inflation sa transport noong buwan ng Mayo, bumaba ito ng 9.6% nitong Hunyo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Paliwanag ng opisyal, naitala ang mababang inflation sa transport sector dahil sa pagbaba sa halaga ng pamasahe sa tricyle at presyo ng produktong petrolyo kung saan mula 38.8% na inflation sa pamasahe ng tricyle noong Mayo ay bumagsak ito sa 17.6 % inflation sa buwan ng Hunyo.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Habang sa mga produktong petrolyo naman ay bumaba ito sa 21.5% noong Hunyo mula sa dating 33.0% inflation na naitala noong Mayo.

Tinitingnan namang dahilan sa pagbaba ng pamasahe sa tricycle sa bansa ay ang pagpayag sa dalawang sakay.