Arestado ang isang indibidwal na itinuturing na National Most Wanted Person nang matunton siya ng Criminal Investigation and Detection Group – Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) sa Barangay Bacolod Chico, Marawi City.
Kinilala ni CIDG-BAR Chief, PLt.Col. Ariel Huesca ang akusado na si Richard Awa-Pepito alyas Rasid Pangarungan Daldig at Thata, 51 years old, may asawa at residente ng naturang lugar.
Ayon sa hepe, sinilibihan siya ng arrest warrant dahil sa dalawa nitong kasong murder na inisyu ng korte sa Iligan City at bayan ng Molave, Zamboanga Del Sur.
Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kaso ni Thata na pansamantalang magpapalaya sa kanya.
Dinala ang naturang wanted person sa kustodiya ng CIDG Lanao Del Sur Provincial Field Unit at nakatkadang iprisenta sa korte para sa pagdinig.