Sa kanyang ika-31 na kaarawan, inihayag ng singer-actor na si James Reid na handa na siyang mag-settle down.

Paglilinaw ni James, isa lang ito sa mga plano niya ngayong nasa 30s na siya dahil gusto niya pa ring tahakin at pausbungin ang kanyang career sa music industry.
Ngunit pagdating sa pagse-settle down, “soon” lang ang sagot ng aktor.
Bagama’t hindi niya na dinetalye, sinabi ni James na excited siya kapag nangyari ito dahil alam niyang emotionally at mentally ready na sya.
Marami na rin daw siyang natutunan noong siya’y nasa 20s pa, at isa na rito ang pagdating ni Issa Pressman sa kanyang buhay.
Sa ngayon, sigurado siyang masaya siya sa relasyon nila at sobrang in love.
##