Wage hike sa region 12, epektibo na sa June 9

KORONADAL CITY- MAGIGING epektibo na sa June 9, 2022 ang P16.00 na unang tranche ng wage increase sa mga manggagawa sa Soccsksargen region.

Ito’y matapos pagtibayin ng National Wages and Productivity Commission ang Wage Order No. RBXII-22 noong Mayo 20 at kasalukuyang inilalathala sa lokal na pahayagan.

Ibig sabihin nito, simula June 9, ang arawang sahod ng mga private sector workers sa rehiyon ay magiging P 352 na sa non-agriculture sector at P 331 naman sa agriculture, retail at service sector.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang dagdag na P 16 sa second tranche ay magiging epektibo naman sa September 1, 2022 kung saan magiging P 368 at P 347 na ang matatangap na minimum wage ng mga trabahante.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Makikinabang sa P 32 na wage hike ang mga workers sa probinsya ng South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat at mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong at Kidapawan.

Ito ay inaasahan na makakatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.