Tiniyak ng Commission on Elections na iimbestigahan nito ang mga nawawalang certificates of canvass sa loob ng ballot boxes nang buksan ito ng Kongreso para sa bilangan ng presidential at vice-presidential votes.
Sa pulong balitaan, sinabi ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na na-resolba naman na ito at nabilang na rin ng National Board of Canvassers.
Sa ngayon aniya, hindi pa rin nila ito itinuturing na election offense dahil nasumite pa rin naman ng mga election officers ang mga COCS.
‘So if it is justifiable naman, then pwede naman natin palipasin na lang. If not, then we will make sanctions based on our civil service rules’ wika ni Casquejo
Humingi naman ng paumanhin si COMELEC Commisisoner George Garcia sa aberyang naidulot nito lalo na’t na-defer ng ilang beses ang canvassing sa Kongreso.
Aniya, nagkaroon lang talaga ng human error lalo na’t baka pagod na ang mga electoral boards na nagsilbi nitong nagdaang halalan.
#