VP Sara, pinabulaanang kumukuha siya ng mga armas kay Quiboloy

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang alegasyong kumukuha siya noon ng mga armas mula kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Mababatid na humarap sa pagdinig ng Senado ang isang alyas Rene at isiniwalat nito ang mga aktibidad ng religious group.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Sinabi ni alyas Rene na nakita niya si VP Sara at ang dating Pangulo na si Rodrigo Duterte na kumukuha ng armas kay Quiboloy.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Hindi na rin aniya ikagugulat pa ng Bise Presidente kung sa mga susunod na panahon ay mas dumami pa ang kaso, imbestigasyon, testigo, at samut saring isyu na ipupukol sa kanya.