VP Sara: ‘Isang Kaibigan’ – hindi kinopya!

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon na plagiarized ang librong pambata na “Isang Kaibigan,” na kanyang inakda.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, napakadaling sumulat ng maikling kwento batay sa sariling karanasan at hindi na kailangang mangopya pa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Layunin lang aniya ng libro na tulungan ang mga batang Pilipino na mapabuti ang kanilang pagbabasa, lalo na’t isa sa problema ng bansa ang kahinaan sa pagbabasa ng mga kabataan.

Nauna nang sinabi ni OVP Spokesperson Michael Poa na copyrighted ang libro at nairehistro na simula pa noong Disyembre 2023.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Ito’y matapos kumalat ang mga alegasyong plagiarized umano ang libro sa graphic novel na “Owly Just a Little Blue” ng American author at artist na si Andy Runton.