1.5M pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong long weekend

Naghahanda na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange sa pagdagsa ng mga pasaherong tutungo sa mga lalawigan ngayong long weekend.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, inaasahan na nilang aabot sa 1.5 milyong pasahero ang dadagsa sa terminal hanggang sa August 27.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Kaugnay nito, magpapatupad ng ilang hakbang ang PITX upang matiyak ang isang ligtas at komportableng paglalakbay para sa lahat ng mga pasahero.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Pinapayuhan naman ang lahat ng mga pasahero na magsuot ng facemask.

Hinihikayat rin ang lahat ng mga pasahero planuhin ng maaga ang kanilang mga biyahe at dumating nang maaga sa terminal.