10th mpox case – clade II rin

Kinumpirma ng Department of Health na Clade II ang uri ng mpox na tumama sa 33-taong gulang na lalaki, na ika-10 kaso ng naturang sakit sa bansa.

Ayon ito sa natanggap na report ni Health Secretary Ted Herbosa mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Ang Clade II ay parehong uri ng mpox na naging naging sanhi ng mga outbreak noong 2022.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Saad ni Herbosa, muling idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) dahil sa pagtuklas ng bagong variant na clade 1B.