VP Sara, hiniling sa SC na ibasura ang petisyon sa confidential funds

Nakiusap ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na inihain laban sa paglipat ng P125 milyon na confidential funds sa OVP noong 2022.

Ayon kay Duterte, dapat tanggihan ang mga petisyon dahil hindi ito nagpapakita ng aktwal na kaso o kontrobersya.

Sinabi rin niya na ang mga petisyon ay hindi paratang na siya ay gumamit ng grave abuse of discretion.

Mababatid Nobyembre 2023 unang inireklamo si Duterte at nais na ibalik ang confidential funds ng OVP sa kaban ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *