Donnalyn Bartolome at JM de Guzman, inaming “exclusively dating”

Inamin na nila JM de Guzman at Donnalyn Bartolome na sila’y exclusively dating, isang buwan matapos aminin ng aktor na nililigawan niya ang content creator.

Kinumpirma ito ni Donnalyn sa isang vlog, kung saan hinarana niya si JM sa kantang Sometimes ni Britney Spears at may banner pang nakalagay na “JM, mahalaga ka sa akin.”

Pabiro namang sinabi ng aktor na akala niya’y “Mahal kita” ang nakalagay.

Pagkatapos ng kanyang kanta, inamin ni Bartolome na hindi pa siya handang makipagrelasyon kay de Guzman kaya’t hanggang “dating” muna ang kanilang status ngayon.

Maalalang inamin ni JM na isang taon niya ng nililigawan si Donnalyn at sinabing willing siyang maghintay para sa kanyang matamis na “Oo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *