VP Sara Duterte, dapat umanong magpa-psych evaluation ayon sa ilang kongresista

Nababahala si House Assistant Majority Leader at La Union Representative Paolo Ortega V sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na ninais niyang pugutan ng ulo si Pangulong Bongbong Marcos.

Kasunod ito ng isiniwalat ni Duterte sa pulong balitaan na “toxic” na ang relasyon nila ng pangulo.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Ortega, maaaring magkaroon ng seryosong implikasyon ang sinabi ng bise-presidente at ang marahas at nakakatakot na pahayag ay hindi katanggap-tanggap.

Posibleng kailangan na aniya ni VP Sara na sumailalim sa psychological evaluation dahil may malalaking katanungan na umano sa estado ng pag-iisip at emosyon nito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Iginiit pa ni Ortega na karapat-dapat para sa mga Pilipino ang mga leader na “mentally” at “emotionally stable”.

Naniniwala naman si Zambales Representative Jay Khonghun na mas malalim na problema pa ang dapat tugunan at hindi maaaring magkaroon ng pinuno na walang kontrol sa emosyon lalo na sa pampublikong pamamaraan.