Plantsado na ang paghahanda ng MMDA para sa All Saints’ and All Souls’ Day ngayong taon.
Simula October 27 hanggang November 4 ay magpapakalat ng mahigit 1000 tauhan ang MMDA mula sa Traffic Discipline Office, Special Operations Group-Strike Force, Metro Parkways Clearing Group, at Road Emergency Group.
Magpapatupad din ng “No Day-Off, No Absent Policy” sa MMDA traffic personnel.
Palalawigin naman ang schedule ng duties hanggang hatinggabi isang araw bago at pagkatapos ng Undas para masigurado at mapaigting ang traffic management.
May 12 tow truck din ang ipakakalat ng Road Emergency Group at 6 na ambulansiya para sa anumang emergency at magtatayo ng help desk at command center naman ang ipoposte sa mga bus terminal.
Inatasan naman ang MMDA Communications and Command Center na subaybayan ang sitwasyon ng trapiko sa NCR 24/7.
May 30 units ng deployable cameras ang gagamitin para sa pangunahing malalaking sementeryo na kinabibilangan ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Bagbag Public Cemetery sa Quezon City, Loyola Memorial Park sa Marikina, at San Juan Public Cemetery.
May mga ospital din na gagawing mga evacuation centers sakaling kakailanganin ang serbisyo.