Tirada ni VP Sara kay Marcos – pagiging ‘unbecoming’ ng isang public official – SP Chiz

Hindi na naiwasan pang madismaya ni Senate President Chiz Escudero sa mga naging tirada ni Vice President Sara Duterte sa pamilyang Marcos kabilang na rito ang pagbanggit niyang pagpugot sa ulo ng Pangulo.

Read More:  PH ready for any natural events ahead of ASEAN Summit 2026

Kasunod nito, tila pinapakita umano ng mga banat nito ang pagiging ‘unbecoming’ o hindi pagiging karapatdapat nito sa pwesto bilang ikalawang mataas na opisyales ng gobyerno.

Ayon sa senador, batid niya ang nararamdamang frustration ni Sara pero umaasa siya na mas magiging maingat na ito sa susunod.

Read More:  Palace denies Marcos link to Franco Mabanta

Maalala, ayon kay Sara, huhukayin niya ang labi ng ama ng Pangulo at itatapon niya ito sa West Philippine Sea.