VP Duterte at Sen. Hontiveros, nagkainitan sa naging budget deliberation

Hindi na naiwasan pang magkainitan nina Vice President Sara Duterte at Senadora Risa Hontiveros sa naging budget deliberation ng Office of the Vice President (OVP) ngayong araw.

Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang imungkahi ni Hontiveros na manghingi na lang ang OVP ng pondong para lang sa mismong obligasyon nila at ibigay na sa ibang ahensya ang kanilang pondo para sa Medical Assistance for Indigent Program (MAIP).

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track
Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Matapos ang naging pahayag ni Sara ay muling nagtanong si Hontiveros tungkol sa impormasyon ng librong balak ipamigay ng OVP sa mga mag-aaral na nasa remote communities na siyang naging dahilan ng kanilang mainit na sagutan.