Panawagan ng Senado, sapat na raw para suspendihin ang PUVMP ayon sa PISTON

Ilang buwan na lang ay mag-iisang taon na nang maghain ng petisyon ang grupong PISTON sa Korte Suprema para ibasura ang Public Transport Modernization Program.

Ayon kay Ruben Baylon, Deputy Secretary General ng PISTON, sapat na ang mga datos, mga nagrereklamo at inihaing resolusyon ng senado para ibasura ang programa.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Bukod sa hindi malinaw ang patutunguhan ng programa, hindi rin dapat makinig si Pangulong Marcos sa DOTR at mas mainam na pag-aralan ang programa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kung hindi naman daw maglalabas ng TRO ang korte suprema at hindi masususpinde ang programa, malawakang protesta ang ilulunsad ng PISTON sa ikalawang linggo ng Setyembre.