LEGAZPI-Nagpasalamat ang Comission on Election o COMELEC Albay sa publiko sa matagumpay na pagtatapos ng Voters registration extension nakaraang linggo.
Ayon kay Atty Maria Aurea Bonao, nagpasalamat ito sa mga staff ng bawat comelec offices sa pinakitang tiyaga at sakripisyo sa halos 2 taong registration period.
Aniya, hanggang sa huling natitirang oras,sinikap na maakomoda lahat ng mga humabol pa sa last day ng registration at nanawagan ito na sana’y magsilbing aral sa mga kababayan na sa susunod ay mas maaga ng magtungo sa kanilang opisina.
May mga dumating kasi umano ng umaga at hapon na nakapagparehistro dahil siksikan na ang taong dumating.
Malaki rin ang pasasalamat nito sa mga staff na nag extend pa ng oras para maaccomodate ang mga ito.
Sa ngayon nasa panahon na rin sila ng preparasyon para sa darating na halalan.