LEGAZPI CITY – Dumepensa ang City Government ng Legazpi sa sinasabi umanong pinabayaan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng Lingñon Hill Park dahil sa wala naman umanong nakitang amenities simula ng maiturn over sa lungsod.
Sa pagtatanong ng Brigada News Fm Legazpi kay Mayor Noel Rosal ng lungsod na hindi nagpabaya ang lokal na pamahalaan sa pagsasaayos at pagpapaganda ng nasabing park dahil sa naglaan rin ng pondo ang mga ito ng mahigit sa P30M.
Aniya, may mga nilagay na rin itong view deck sa panahon ni dating Gov Don Fernando Gonzales. Naniniwala ang alkalde sa loob ng 15 taon na paghahawak ng City Government ay napaayos nito ang pagpapatakbo at pagpapaganda para sa mga turista. Dagdag pa nito, sumulat ang pamahalaan ng Panlalawigan sa lungsod na hindi na interesado sa pagrenew ng services sa naturang park.
Sinabi ng opisyal, naniniwala ito na hindi napupulitika ang pagturn over o pagbawi ng Provincial Government ng Albay ng Lingñon Hill Park dahil sa maaaring may gagawin umanong plano ang Gobernador ng kasalukuysang taon para sa pagsasaayos at pagpapaganda ng Park.