Pinalawig ng Land Transportation Office ang validity ng mga student permit, driver’s license, conductor’s license at medical certificates na nag-expire nakaraang Oktubre.
Ito ay dahil na rin sa mga ipinatutupad na quarantine restrictions sa bansa kaya nagbigay ng kosiderasyon ang LTO.
Ang validity ay pinalawig pa hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre ngayong taon.
Samantala, maliban pa dito ay extended rin sa kaparehong petsa ang validity ng rehistro ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa “0”.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
