Volleyball star Bryan Bagunas, nagpaalam sa Oita Miyoshi club

Nagpaalam ang Filipino volleyball star na si Bryan Bagunas sa Oita Miyoshi Weisse Adler club.

Ayon sa Oita Miyoshi, kasabay niyang aalis si Emerson Rodriguez at Sonae Kazuma pagkatapos ng 2022 season.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Sa Instagram account ni Bagunas, sinabi niyang proud umano siyang maging parte ng team sa loob ng tatlong taon at nagpasalamat din siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng naturang grupo.

Read More:  Alex Eala climbs to career-high No. 17 in WTA rankings

Samantala, nakatulong ang volleyball player na manatili ang nasabing club sa V. League’s First Division noong nakaraang Abril. (ARGIE ERGINA)