Nagwagi si Filipino-Australian Josh Culibao sa preliminary card ng UFC 275 sa Singapore laban sa Koreanong si Seungwoo Choi via split decision.
Dalawang beses na na-knocked down ni Culibao si Choi kung saan nakapagtala siya ng 69 strikes habang 64 strikes naman ang naturang kalaban.

Ayon kay Culibao isang malaking panalo umano ito para sa kanya at labis siyang nagpapasalamat sa kanyang team.
Samantala, ang mga magulang ng Sydney-born mixed martial arts fighter ay tubong Boracay at Pampanga. (ARGIE ERGINA)