Vinzos PNP mas pinaigting ang kanilang kampanya laban sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Pinalawak at mas pinaigting ng Vinzons PNP ang kanilang kampanya laban sa COVID-19  matapos na magkaroon na ng pagluluwag sa ilang mga restriskyon sa pagsasailalim sa alert level 2 ng lalawigan

Ang mga kapulisan ay nagsagawa ng iba’t-ibang aktibidades kontra COVID-19 sa nabanggit na bayan upang mas mapababa ang bilang ng biktima ng COVID-19.

Layunin nito na makaiwas at maging ligtas ang bawat isa sa kumakalat na Pandemya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nagpapatuloy ngayon ang barangay visitation kung saan nitong nakaraang araw ay nagsagawa ng pagbisita sa barangay Calangcawan Norte, Calangcawan Sur, Poblacion 1,2,3 at sa iba pang kalapit na barangay,lalo na sa mga matatao at pampublikong lugar

Nagkaroon nang Bandilyo, IEC distribution at dialogo ng mga dapat gawin upang makaiwas sa kumakalat na virus, nagsagawa rin ng information dissemination para sa mga panibagong guidelines ukol sa Level 2 kategorya ng probinsiya at namigay ng babasahin at facemask sa residente ng nasasakopang bayan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Naglagay rin ng mga Tarpaulin o Placard sa mga pampublikong lugar tulad ng paaralan, palengke, daongan, terminal para mas mapaalalahanan ang mga residente na maging mas maingat at protektado laban sa COVID-19 Virus.