Vietnamese at Philippine lawmakers, nagkasundong paigtingin ang relasyon

Inaasahang mas lalakas pa ang long-standing relationship at partnership sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam kasabay ng pagbisita sa bansa ni Vietnam National Assembly chair Vuong Dinh Hue.

Sa katunayan, personal na tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez mula kay Vuong Dinh Hue (Vương Đình Huệ) ang kopya ng House Resolution No. 34 kung saan nakasaad doon ang mga hakbang na gagawin ng dalawang bansa para sa mas matatag na relasyon.

Ayon kay Romualdez, matagal nang may magandang relasyon ang Vietnam at Pilipinas lalo na sa usapin ng mutual interest.

Kaya naman sa pagbisita aniya ng ilang matataas na opisyal ng Vietnam dito sa bansa, asahan na ang pakikipagpalitan ng mga ‘best practices’ ng mga mambabatas ukol sa iba’t-ibang isyu partikular sa post-pandemic recovery.

Samantala, bukod naman kay Vuong Dinh Hue, kasama rin sa bumisita sa bansa si national assembly vice chair Nguyen Khac Dinh (Nguyễn Khắc Định).
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *