Mga Filipino scientist at researchers, hinikayat ni Pangulong Marcos na manatili na sa Pilipinas

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino scientists na huwag nang mangibambansa at manatili na lamang sa Pilipinas kasabay sa kanyang paniniwala na ang mga ito ang isa sa maituturing na active partners ng gobyerno sa tinatawag na nation building.

Bahagi ito ng kanyang mensahe sa ginanap na 2022 National Science and Technology Week sa World Trade Center sa Pasay City ngayong araw.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ayon kay Marcos, dapat manatili ng mga Filipino scientists, researchers, inventors at innovators sa bansa upang maibahagi ang kanilang expertise sa mga kapwa Pilipino lalo na sa mga kabataan.

Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo sa mga Filipino scientist na kapag nanatili sila dito sa bansa, makakaasa sila ng magandang suporta mula sa gobyerno.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Aminado si Marcos na kailangan talaga ng pamahalaan na pagtuunan ng mas maraming pansin ang science and development field nang sa gayon aniya ang bawat output mula sa mga pagsasaliksik ay makakabenepisyo sa mga magsasaka at mga negosyante partikular ang mga MSMEs.
#