Vice Ganda, ikinasal na kay Ion Perez sa Las Vegas

Ginulat ng comedy superstar Vice Ganda ang publiko nang pormal nang ibunyag nito na siya at nobyong si Ion Perez ay ikinasal na.

Sa video na ipinost ni Vice sa kanyang Youtube channel, kuung saan ipinakita nito ang snippets ng kanilang trip sa Las Vegas, ay nabatid na noon pa palang October 2021 naganap ang pag-iisang dibdib nila.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Mababatid na sa panahong iyon ay may concert tour si Vice sa US.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Ang seremonya ay ginawa sa The Little Vegas Chapel, kung saan nagpalitan ng vows ang dalawa sa wikang Filipino.

Matapos ang vows, ipinakita nila ang kanilang singsing at certificate of commitment na kapwa nila nilagdaan. //MHEL PACIA-TRINIDAD