Papayagan na ang fans sa oras na muling buksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang pinto para sa mga audience, simula sa February 16.
Ayon kay League commissioner Willie Marcial, ang mga fans na gustong manood ng laro sa Araneta Coliseum ay nagsimula nang mabook ng kanilang ticket reservations simula sa February 13.
Dagdag ni Marcial, ang naturang desisyon ay kasunod na 100 percent ng kanilang mga players ay bakunado na laban sa COVID-19, habang halos 95 percent ang naturukan na ng kanilang booster shots.

Maliban dito, bumababa na rin ang pandemic, kung saan sa NCR ang average sa mga kaso ay hindi na tumataas sa 500 bawat araw.
Sinabi rin nito na tinalakay ng PBA ang naturang usapin sa venue organizers, at sinabing welcome na sa Big Dome ang ideyang tumanggap ng mga fans. //MHEL PACIA-TRINIDAD